Nagsimula ang araw na ito sa pagpunta ko sa parola, magkikita dapat kami ni johan sa 7/11 by 5:40 a.m. Pero dumating ako dun 5 minuto nakalipas,buti nalang di nya ko pinaluhod
" ibig sabihin tuwing recess,lunch at uwian nalang tayo magkikita? E parang 2 hours at 30mins. lang tayo magkikita everyday? Ayoko na pumasok!"--johan melchor
At ang masama pa, pina-ikli na ang lunch namin. Umikli pa lalo ang oras namin para magsama. Di bale, dumami naman ang oras para makipagkaibigan sa iba. Tutal,un naman ang dahilan kaya kami pinaghiwalay.
Grabe , andaming mga bagong mukha ang nakikita ko.Mrami rin kasi ung mga transfer sa 1st year. Grumaduate narin ung mga kaibigan naming gr.6, kaya katapat na namin ang room nila.haha :D meron pa nga akong nakitang taga village namin.Nakakalaro ko xa sa basketball.Bagong lipat lang ata sya, pero ang angas na kagad.Nakita ko may inaangasas sa canteen.
Kekwento ko pa ba ang nangyari sa clasroom? di na siguro lahat,baka makatulog ka lang.kasi nakatulog rin ako. Antok na antok ako,lalo na nung P.E class.Double period na , pulit-ulit pa ung sinasabi ni sir Cabuang. Parang ganito:"BLAH,blah,BLAH,blah,BLAH".yan lang ang sinabi nya hanggang magbell.Sumakit daw ulo ng katabi ko eh.Ewan ko kung bakit,pero papikit-pikit na talaga ako nun. Sana firstday lang yan. Tutal sa 4th quarter, basketball ang sport namin!Salamat naman! last year kasi volleyball at badminton eh. Meron pa akong nalaman na mejo nakakagulat, sabi ng adviser namin na pinaplano na daw i-ban ang gadgets sa skul.Kamusta naman un, gsto ko panaman kumuha ng mga litrato para sa una kong blog.Kaya recycled lang yang mga yan.haha.
Nako cguro eto naLang muna ang makekwento ko ngayon,tutal first blog ko palang naman.Sinakto ko talaga sa first day,hehe.
( sa mga nagbasa hanggang dito,Salamat sa effort nyo.Sa mga hindi na umabot,hayaan nyo, magpapaturo pa ako magpaganda ng blog )