Pangalawang araw ng eskwela, salamat nagising ako sa tamang oras, buti nalang di ako tinamaan ng katamaran. Umalis ako ng bahay , malapit na mag 6 a.m. dahil pinipigilan ako ng dadi ko na umalis ng maaga. Kaya aun, inabot ako ng traffic sa junction. Ambagal ng mga kotse, parang G liner samin ( gapang liner, tawag ng kuya ko sa mga pedicad na mabagal). Maaga pa naman simula ng klase namin ngayon.
Pagdating sa skul, nakita ko si Johan sa pila ng Thermal scanner, xmpre sabay sigaw ako. Umalis xa sa pila para sabay kami,waw naman! haha. :D tapos nun, deretso klasroom ako para ilagay ang bag.Lumabas ulit ako para hintayin sila coby.
Nang malapit na mag klase, pumunta muna ako ng cr para mag ayos. Pero pag labas ko, "takte! wala nang tao sa koridor!! takbooo!" . Leyt na pala ako sa unang sabdyek. Buti nalang adbayser namin ang una, katok lang , sabay pasok na ako. Wala naman ata xang paki,kasi di lang ako ung naleyt. . . . .
--- After lunch---
After lunch na, kakatapos lang mag goof-off(tama ba spelling?) sa library. Nag ka reunion lang kami dun , naghanap ng "guiness book of world records" para paglaruan ang mga pictures,di narin maiwasan, nagka-alaskahan rin.
12:15pm
Pagka-akyat sa room, hinintay namin ang next teacher. Theology pala kami ngayon. Habang hinihintay ang teacher namin, ilang sa mga kaklase namin ang di na makaya ang masyadong tahimik na klasroom.Mag ingay naman daw kami. Eto ako, nakahalumbaba, naghahanap ng makakausap.Si josh naman di namamansin. Grabe nakaka-antok, parang bawat pag-galaw ng orasan ay nararamdaman ko.
"When will this silent chaos end?"
Parang isang oras na ang nakalipas, wala paring guro. Pero mukang nakahanap na ng makakausap ang ilan samin. Para lang makapag-ingay,kung ano ano nalang mga sinasabi nila. Kaylangan ko na talaga ng kaibigan sa room na to. Di ako magsusurvive kung araw-araw akong ganito. Pero sino? Mukang wala ako maxado makakavibes dito.
Habang nasa isip ko na ang uwian, pagtingin ko sa orasan 12:40 palang. ANO? Parang ilang decada na lumipas , ilang minuto lang pala?
I experienced something unusual this day
Mula second period , hanggang last, may weird akong napapansin. Parang ambagal ng takbo ng oras ngayon? Nung bakasyon lang, umupo ka lang sa harapan ng TV tapos na araw mo. Pero bakit slow-motion naman ata lahat ngayon? Tsaka ko lang nalaman, sila pala ang dahilan. . . . .
1-13
"are we good?, GERTRUDE!!"BATCH o8-o9
. . . ang lugar na nakasanayan ko, mga guro, mga taong nakakasama ko dati araw-araw.
Narealize ko lang, kaya pala mabilis pa ang gapang ng suso sa oras, ay dahil namimiss ko pala ang dati kong seksyon. Ang kakulitan nila, ung mga kaklase kong nagbabadminton sa loob ng classroom, yung mga malakas pa sa megaphone ang pag-iingay, ang halos araw-araw na pagsermon samin dahil sa kaingayan namin, yung nakasanayan kong panghingi ng 1/4 paper sa mga kaklase ko.Pati narin syempre, si miss Cayetano.Ang aming minamahal na guro. Kahit na palagi nya kami sinisigawan tuwing nalelate kami sa flag ceremony, at lagi syang pasigaw mag-Ingles, parang nakasanayan ko na ang mga bagay na yon. Andami talagang nangyari samin last year, mapamabuti man,o masama, lahat yon di ko makalimutan.